Pages

Sunday, January 04, 2009

Para sa QNHS section JPM get-together


CLOSING REMARKS
Ang high school daw ang pinakamasaya sa lahat kasi wala ka pang masyadong alalahanin sa buhay except lang magpacute sa crush at kung paano pagkakasyahin ang baon. Ang buhay natin sa Quezon High ay simple lang kasi mayroon tayong tinatawag na common denominator sabi ni Mr. Basañez. Ang pagkakatulad nating lahat ay galling tayo sa hirap. Maaring ilan sa atin ang may kaya ang pamilya noong panahon na iyon pero kung susuriin higit sa kalahati ang pumapasok na pamasahe lang ang baon.
Ang section na JPM ang mukha ng kabataang nagsisikap umahon sa kahirapan. Kung di ako nagkakamali lahat tayo pumasa sa NCEE. Lahat tayo ay nagsikap magaral sa kolehiyo, mayroon nag working student, mayroong pinagsabay ang kolehiyo at trabaho, at mayroong nagtrabaho muna bago nagkolehiyo.
Ang section na JPM ngayon ay iba na ang mukha. Bukod sa tayo ay tumaba at maaring tumaba din ang ating wallet. Pero ang hiling ko lang at maaring hiling ng lahat na sana ay huwag nating kalimutan ang ating pinanggalingan. Galing tayo sa hirap kaya dapat tayong tumulong sa nangangailangan.
Iba ang darating na 2009. Ito ang taon na madarama natin na ang ating kumpanyang pinagtratabuhan ay kaunti lang ang kikitain at kailangan nilang magtipid. Ang taong 2009 din ang taong ang mga negosyante ay madarama na ang kanilang customer ay kumokonti dahil din sa pagtitipid.
Ano ang kailangang gawin ng bawat isang JPM.
1. Sa mga kakaklase nating may negosyo huwag mahiyang humingi ng tulong sa bawat isa, Kung kailangan ninyo ng bagong customer sabihin sa yahoo group natin. Kung kailangan ng payo sa negosyo mag-email. Iwasan lang ang pag utang, alam nyo na ang resulta nyan pag hindi nagbayad. Huwag mahiyang i-announce kung anong klaseng negosyo mayroon ka at huwag ding mahiya na mag-endorse ng produkto.
2. Sa mga kakaklase nating nagtratrabaho sa mga kumpanya, doblehin ang sikap sa trabaho para hindi matanggal sa trabaho. Pumasok ng maaga at umuwi ng late. Laging bigyan ng impormasyon ang inyong mga boss para lagi kang maalala.
3. Pag mayroong bakanteng trabaho sa ating mga kumpanya, i-announce sa yahoo group. Tulungan natin ang naghahanap at maghahanap ng trabaho.
4. Pag mayroong parents, kapatid o sino mang mahal sa buhay na namayapa i-announce sa yahoo group para madalaw ng bawat isa. Mahigit na tayong 40, kailangan nating damahin ang pagmamahal ng bawat isa bago pa tayo tawagin.
5. Dapat mayroon tayong kumpletong directory ng bawat isa, Telephone number, cellphone number, address, kursong natapos o kung ano negosyo o expertise para madali ang ating komunikasyon.
6. Huwag kalimutan ang ating adviser na si mam JPM. Tayo lang ang nagpapasaya sa kanya. Lagi natin syang alalahanin kung mayroon tayong get-together.
7. Huwag nating kalimutan ang Quezon High. Kung kaya nating mag-ambagan ng P300 sa ating get-together, kaya din nating magdonate ng tig P200 sa isang taon para sa scholarship. Ang P8000 ay malaki ng bagay sa Quezon High.
Ang 2009 daw ang susubok sa katatagan ng bawat Filipino. Pero ang section JPM sigurado ako kaya natin itong lampasan, kasi galing tayo sa hirap at dahil ayaw na nating bumalik doon, nagigi tayong matapang na harapin ang anumang pagsubok sa buhay.
Salamat at mabuhay ang JPM!

No comments:

Post a Comment