Wala atang Tagalog sa Investor. Kaya pala kulang ang ating kaalaman sa paghawak ng pera kasi karamihan sa atin hindi tinuruan sa eskwelahan o sa bahay kung paano bumasa ng stocks, mutual fund at iba pang investment. Bakit nga ba?. Ako natutuhan ko lang ang lahat ng ako ay 30 years old. Kund hindi pa ako tumuntong at gumastos na isandaang libong piso sa Ateno ay hindi ko malalaman and pagkakaiba ng index fund sa index card. Kayong mga kabataang bumabasa ng aking blog hindi nyo na kailangang mag-MBA para matutuhan ang paghawak ng pera. Eto na nga ibibigay ko sa inyo ng libre.
1. Gumastos lamang ng ayon sa inyong kinikita. Pag bibili ka ng sapatos o cellphone at uutangin mo pa kalimutan mo na lang. Isang alipin ang maraming utang.
2. Maging matipid pero hindi madamot. Alam mo na ang kaibahan nyan.
3. Huwag mangutang, hanggat maari. Sa Pilipinas daw hindi maari ang walang utang pero kayang gawin. Itapon mo na ang credit card mo. Payag ka bang singlin ng 18% na interes. Binabaon ka kasi limang taon mo yang babayaran. Gusto mo bang limang taon kang bugnot?
4. Maghanap ng trabaho na mahal mo. Araw-araw kang papasok sa iyong trabaho kaya dapat andoon ang puso mo. Kung wala, nasa impyerno ka ngayon at kailangan mong tumakas.
5. Kung gusto mong maging eksperto dapat babad ka sa ginagawa mo at hindi kung anu-ano ang pinagkakaabalahan mo.
6. Kung gusto mong madagdagan ang pera mo at ayaw mong maghirap ka sa pagtanda bumili ka ng stocks o mutual fund.
7. Alamin kung saan napunta ang pera mo. Baka naman nauubos lang yan sa load, sayang.
8. Kung walang magbigay sa iyo ng trabaho, ikaw ang mag create ng trabaho mo. Sabi mo magaling kang magbenta ng t-shirt, gawin mo.
9. Huwag mong pansinin ang problema ng mundo. eh ano kung tumaas ang presyo ng diesel, may magagawa ka ba para ibaba ito. Ang magagawa mo ay pansinin ang buhay mo.
10. Huwag kang maging magaling sa maliit na bagay kung hindi sa malaki. Gusto mo bang makilalang pinakamagaling sa pagdidilig ng halaman. Mas mainam kung kilala ka bilang mahusay na landscape artist. Andoon ang pera.
Kaya daw ang Pilipinas ay hindi umunlad dahil iilan ang marurunong sa pera, karamihan singkit pa. Ayaw ko namang umasa sa aking mga anak sa aking pagtanda. Ewan ko sa yong bumabasa ng blog ko. Hanggang ngayon ba hindi mo pa kilala ang pera mo?
No comments:
Post a Comment