Pages

Monday, December 04, 2006

Para sa Mga Taga-Bikol


Kumusta na?, Ayos pa ba?
Eh, kung hindi, Paano na?
Ewan ko ba, bahala na.

from the song "kumusta na" by Yano

Para sa Mga Taga-Bikol

Si Pepe ng Albay ay nagtatanong
Habang sinisipat ang bahay niyang walang bubong
Lintek na delubyo! bakit pa masa ang tinumbok?
Hinimas ang sugat at pasa dala ng batong bundok.

Tumingin sa paligid at nagilid ang luha
Ang kanyang barangay binura ng baha
Wala na ang gintong palayan ni Mang Jose
Hindi na makinig ang tungayaw ni Rosie

Wala na ang hikbi ni Nene at tawa ni Buloy
Tunay na nakakabingi ang katahimikan sa Barangay Uloy!
" Parang sa Leyte at Aurora noon" sabi ni Kapitan Tadyong
"Huwag mag-alaala" sambit ni Kapitan.
Darating na ang pork barrel ni Congressman

Sumingit si Kagawad Manny at nagsabi
"Aba, Jueteng at si Mayor ating asahan"
Hindi napigil ni Pepe ang sarili
Dumura sa lupa at nagsabi
" Lahat ng pulitiko, sundalo at rebelde, sambit ang masa sa kanilang pangarap.
Tunay ngang lagi nilang awit
Pero sa huli bakit tayo laging sabit?"


Natulala ang Kapitan at ang Kagawad
Tingin nila kay Pepe ay di propetang huwad.
Nagpatuloy si Pepe sa kanyang pasabi:
" Huwag natin silang asahan na babago sa ating pamumuhay.
Ang delubyong ito ay tunay na nagpamulat sa akin,
na edukasyon, pamilya at panalagin
Ang tunay na susi ng masa
Upang mabuksan ang saradong mata"

Muling tumingin si Pepe sa maputik na paligid.
Sinaliksik ang puso at walng galit na nadagit.
Nang masipat ang kanyang dalawang anak,
Tumingin sa langit at napaiyak.
Hindi sa muhi kundi sa galak.
Para sa masa? Bagong Pag-asa.

ALC

1 comment:

  1. tunay ngang napakahalaga
    panalangin, edukasyon at pamilya
    nawa' y ito makita ng bawat isa

    ReplyDelete